
Nasaksihan noong Sabado, November 5, sa "Retoke" episode ng Wish Ko lang ang totoong kuwento ng buhay ni Natanya (Jenzel Angeles) na nasira ang ilong dahil sa scammer na doktor.
Nagawa ni Natanya na magparetoke ng ilong dahil sa paniniwalang ito ang susi para mas lalong lumaki ang kita niya sa pagiging isang credit card agent.
Makalipas lamang ang ilang buwan matapos na magparetoke ng ilong, napansin ni Natanya na tumabingi at namamaga na ang kanyang ilong. Nang balikan ang doktor na gumawa sa kanyang ilong, dito na rin nalaman ng dalaga na scammer pala ito.
Dahil sa nangyari, nawalan ng lakas ng loob si Natanya na humarap sa ibang tao. Kaya naman para matulungan ang dalaga, agad na naghanda ng sorpresa ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.
Kasama sa negosyo packages na nagkakahalaga ng PhP25,000 ay ang burger business package, french fries business package, crispy liempo business package, grocery business supplies, bigasan business, fish sauce business supplies, at chairs and table furniture set para sa bagong negosyo ni Natanya.
Hindi rin mawawala ang tulong na pinansyal ng Wish Ko Lang para kay Natanya.
Tinupad din ng programa ang hiling ng dalaga na maipaayos ang kanyang ilong sa tulong ng plastic surgeon na si Dr. Eric Yapjuangco.
Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
MAS KILALANIN SI JENZEL ANGELES SA GALLERY NA ITO: