
Narito na ang isa pinakahihintay na tagpo sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Sa episode ngayong gabi, November 10, muli nang magkikita ang dalawang Maria Clara.
Matatandaang unang nagkakilala sa beaterio sina Maria Clara "Klay" Infantes, ang Gen Z nursing student mula sa kasalukuyan at si Maria Clara de los Santos y Alba na mula sa mundo ng nobela ni Rizal.
Tinakbuhan ni Klay si Maria Clara matapos niyang marinig na balak nitong dalhin siya sa isang mental institution.
Ito rin ang rason kung bakit niya muling tinakbuhan si Maria Clara nang nagkita sila sa simbahan ng San Diego.
Muli silang paglalapitin ng tadhana dahil sa pagbisita ni Maria Clara sa bahay ng nobyong si Crisostomo Ibarra, maaabutan niya dito si Klay.
Ano ang mangyayari sa muli nilang paghaharap?
Para makasama sa conversation sa Twitter, gamitin ang official hashtag ng episode na #MCIFaceToFace.
Patuloy na tutukan ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Naka-livestream din ito nang sabay sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Mapanood naman ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.