
Sa episode ng Inagaw Na Bituin noong Lunes, May 6, mukhang nanganganib si Lucy (Angelika dela Cruz) na ilaglag ni Urshi (Mia Pangyarihan) kapalit ng malaking pabuya mula kay Belinda (Sunshine Dizon).
Dalawang milyong piso ang reward money ni Belinda, matuntun lang ang kanyang kapatid. At ngayong mas nangangailangan ng pera si Urshi pampagamot sa na-ospital niyang ina, tatalikuran na kaya niya ang pagsilbi at pagprotekta kay Lucy?
Tutok lang sa Inagaw Na Bituin sa GMA Afternoon Prime.