GMA Logo Mamaland in The Voice Generations
What's on TV

Dalawang supermoms na Mamaland, aabante na sa next round ng 'The Voice Generations'

By Jimboy Napoles
Published October 27, 2023 7:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GenSan targets zero firecracker-related injuries; code white alert up
Star of Bethlehem, West Philippine Sea feature in Toym Imao installation
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Mamaland in The Voice Generations


Abangan ang susunod na performances ng Mamaland sa next round ng The Voice Generations.

Matapos ang kanilang pangmalakasang performance sa Sing-Offs, naghahanda na ngayon para sa Battle round ng The Voice Generations ang duo na Mamaland, na binubuo ng parehong mommies na sina Niña Espinosa-Holmes at Fritzie Magpoc.

Ang Mamaland ay kabilang sa mga natitirang grupo ng talents sa Team Julesquad ng coach na si Julie Anne San Jose.

Sa isang panayam, ikinuwento nina Niña at Fritzie kung paano sila nakaka-relate sa isa't isa hindi lang bilang mga singer kung 'di maging bilang mommies.

Kuwento ni Niña, “We started sa isang singing contest, nagka-partner kami sa contest na 'yun.”

“Nagkakakuwentuhan kami, pareho pala kaming mommy, tapos 'yun na doon na nag-start,” dagdag naman ni Fritzie.

Ayon kay Niña, masaya niyang pinagsasabay ang pagiging full-time mom sa kaniyang apat na anak at pagiging isang singer.

Aniya, “I'm a very hands-on mom. Wala kaming kasambahay, ang trabaho ko at night, and then gigising ako ng four ng umaga, mag-aasikaso na ako sa pagpasok nila sa school, and then sa tanghali lunch naman. Gano'n ang routine ko every single day.”

Dagdag niya, “Pero at the same time, I enjoy what I am doing. Because, I know someday, magbubunga lahat 'yun. Malalaman ng mga anak ko 'yung time and effort na ibinibigay ko sa kanila.”

Para naman kay Fritzie, gusto niya lamang i-enjoy ang pagiging ina sa kaniyang nag-iisang anak.

“Sa akin naman, ine-enjoy ko lang 'yung pagiging mommy. 'Yung iba kasi parang nape-pressure, kumbaga ako chill lang,” ani Fritzie.

“'Yung mga nakikita natin sa generation ngayon, 'yung mga adjustment, gusto ko na maranasan niya 'yun nang hindi siya nape-pressure, sa dapat niyang gawin. Pareho kaming nasa learning process. Gusto kong maging chill lang na mommy,” dagdag pa ni Fritzie.

May kuwento pa si Friztie kung paano nabuo ang pangalan ng kanilang duo ni Niña na Mamaland.

Aniya, “Usong-uso 'yung Momoland. Sabi ko, 'Kasi mommies tayo gawin nating Mamaland.”

“Hindi na ako nag-second thought parang I think it's perfect,” hirit naman ni Niña.

Paglalahad naman ni Niña, tingin niya ay itinadhana talaga ang kanilang pagkakakilala ni Fritzie.

Sabi niya sa isang panayam, “Naniniwala ka ba na minsan may makikilala kang tao na destiny mo talaga? Ang ganda ng tandem namin kasi hindi kami nagsasapawan. Ine-enjoy lang namin 'yung relationship ng isa't isa. Wala akong regrets, any regrets na makasama ko siya [Fritzie] sa lakbay ng buhay namin.”


Sa Blind Auditions, inawit nina Niña at Fritzie ang kantang “Banal Na Aso, Santong Kabayo” kung saan napaikot nila ang coaches na sina Julie at Stell.


Pagdating sa Sing-Offs, muling pinamalas ng Mamaland ang kanilang pagiging astig pagdating sa pag-perform nang awitin nila ang kantang “Rise Up.”


Hanga naman ang coach ng Mamaland na si Julie sa dedikasyon nina Niña at Fritzie. Aniya, “Bilang mga full-time moms sila, may ibang priorities din sila, pero siyempre grateful din ako dahil nabibigyan nila ng time itong The Voice Generations and to really step up their game here.”

Dagdag pa niya, “Hindi rin biro 'yung mag-perform sa ganitong klase ng kompetisyon kasi I know na ang dami talagang magagaling but it felt different this time in a good sense kasi madalas silang nakikita na 'rock and roll' ganyan pero this time yung essence ng pagiging woman, ng pagiging ina naiparamdam nila sa amin.”


Ang The Voice Generations ay ang newest spin-off ng biggest singing competition sa mundo na The Voice mula sa ITV Studios. Napapanood ito for the first time hindi lamang sa Pilipinas kung 'di pati na rin sa buong Asya via GMA Network.

Tutukan ang The Voice Generations tuwing Linggo, 7:35 p.m. pagkatapos ng BBLGANG.