
Aso’t pusa. Ganyan sina Will Ashley at Pauline Mendoza kung mag-away bilang ang magkapatid na sina Kyle at Cherry sa Dear Uge ngayong Linggo, April 2.
Happy family sina Karen (Manilyn Reynes) at Henry (Keempee de Leon) na may tatlong anak, sina Kyle, Cherry at Myka (Angel Satsumi).
Ang problema, kahit binata at dalaga na ay walang tigil pa rin ang pagbabangayan nina Kyle at Cherry. Mula sa simpleng asaran hanggang sa pag-audition sa school dance troupe ay pinagmumulan ng away ng dalawa.
Magbago kaya ang lahat kung malaman nina Kyle at Cherry na hindi pala sila mga tunay na anak nina Karen at Henry? Mas lalo kayang lumala ang pag-aaway nila, o magkakabati na kaya ang dalawa?
Tutok na ngayong Linggo, April 2, sa ‘Aso’t Pusa’ episode ng nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge!