
Kasalukuyang ipinapalabas ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.
Sa May 18 (Lunes) episode nito, natunton na ng mga Hathor si Danaya (Sanya Lopez) sa mundo ng mga tao. Pagtutulungan nila ang Sang'gre upang makuha ang pinakaiingatan niyang Brilyante ng Lupa. Bago pa nila mapaslang si Danaya, may misteryosong lalaking magliligtas dito.
Samantala, patuloy namang hinihikayat ni Pirena (Glaiza De Castro) ang mga Encantado na maghimagsik laban kay Amihan (Kylie Padilla).
Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video below:
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.