
High-quality independent films ang hatid ng digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.
Isa na riyan ang Dance of the Steel Bars na pinagbidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at co-directed ng yumaong award-winning Kapuso broadcast journalist na si Cesar Apolinario.
Inspired by the Cebu Dancing Inmates, kuwento ito ng dayuhang si Frank (Patrick Bergin) na maaakusahan ng murder at makukulong sa Cebu.
Makikilala niya sa kulungan si Allona (Joey Paras), isang transwoman na nagtuturo ng sayaw bilang ehersisyo ng mga preso, at si Mando (Dingdong Dantes), isang convicted murderer na itinatago ang hilig niya sa pagsasayaw para magmukhang macho.
Abangan ang Dance of the Steel Bars, May 21, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Huwag din palampasin ang family drama film na Bisperas, starring Tirso Cruz III, Raquel Villavicencio, Julia Clarete at marami pang iba.
Iikot ang kuwento nito sa isang pamilya na malolooban at mananakawan ang bahay sa bisperas ng Pasko.
Hinirang ito bilang Best Film sa 7th Cinemalaya Independent Film Festival noong 2011. Nabingwit din nito ang Best Cinematography at Best Production Design.
Pinarangalan naman si Raquel Villavicencio bilang Best Actress at si Julia Clarete bilang Best Supporting Actress matapos ang kanilang pagganap sa pelikula.
Tunghayan ang Bisperas, May 24, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.