
Handa na ang dance star duos para sa final dance battle!
Sa October 11 episode, pinili na ng final dance star duos ang kanilang magiging coach para sa nalalapit na finale ng programa.
Para sa dream star duo na sina Glaiza De Castro at JM Yrreverre, pinili nila si Coach Angel, na naging malaking bahagi ng kanilang mga panalo bilang top dance star duo kada linggo.
Pinili naman nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi si Coach Macky, na nakitaan ng The Phenomenal Millennials na may galing sa pagbuo ng mga routine.
Sa usapang pagiging komportable at pagbibigay ng pag-asa na manalo muli, pinili nina Thea Astley at Joshua Decena si Coach Cheng.
Sina Faith Da Silva at Zeus Collins naman ay muling nagtiwala kay Coach Dune, na patuloy na nagbibigay-buhay sa kanilang mga routine.
Samantala, ang The Gen Z Dance Idols na sina VXON Patrick at Kakai Almeda ay pinili si Coach El-John, na kayang tapatan ang energy ng dalawa.
Kinilala naman sina Rodjun at Dasuri bilang 14th top dance star duo matapos maghatid ng emosyonal na blindfolded performance noong Sabado, October 11.
Tutukan pa ang mas nag-iinit na performances sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Abangan ang final dance battle sa October 18!
RELATED GALLERY: Top dance star duos who brought the heat on 'Stars on the Floor'