
Handa na ba kayo mamangha sa pinaka-inaabangang final dance battle sa Stars on the Floor?
Ngayong Sabado, October 18, magtatapatan na ang dance star duos sa ultimate dance showdown ngunit, ngayon ay papatunayan din nila ang kanilang creativity dahil manggagaling sa kanila ang konsepto ng magiging final performance nila.
Sa ilang linggo ng pag-perform ng iba't ibang genre, napatunayan ng dance star duos ang kanilang likas na talento at passion na makapagbigay ng magagandang performances.
Noong nakaraang episode, sina Rodjun Cruz at Dasuri Choi ang itinanghal na 14th top dance star duo matapos maghatid ng nakakatayo-balahibong blindfolded performance.
Ngayon, ang tanong ng buong Dance Universe: sino kaya ang tatanghaling ultimate dance star duo?
Abangan ang final dance battle sa Stars on the Floor ngayong Sabado, 7:15 p.m. sa GMA!
Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa 'Stars on the Floor':