GMA Logo pinoy pop dance stars
What's on TV

Dance Universe, all-out ang suporta sa kani-kanilang bias na P-pop dance stars sa 'Stars on the Floor 2026'

By Karen Juliane Crucillo
Published February 5, 2026 6:25 PM PHT
Updated February 5, 2026 6:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Imee’s removal as Foreign Relations chair a trigger in ouster plot —Sotto
#BasyangPH makes landfall over Bohol

Article Inside Page


Showbiz News

pinoy pop dance stars


Umani ng excitement at matinding suporta ang pag-reveal ng lineup ng P-pop dance stars sa 'Stars on the Floor 2026.'

Nag-ingay ang Dance Universe matapos ianunsyo ang lineup ng P-pop dance stars noong Miyerkules, February 4.

Kitang-kita ang excitement ng fans dahil pormal nang ipinakilala ang P-pop dance stars na sasabak sa Stars on the Floor 2026, lalo na't matutunghayan nila ang kani-kanilang bias sa bawat P-pop group.

Sa isang teaser, ipinakilala ang P-pop dance stars bilang P-pop main dancers. Kabilang dito sina Joker ng 1st.One, Jao ng Alamat, Sophia ng KAIA, Denise ng Calista, at Jeromy ng Hori7on.

Hindi napigilan ng netizens na ipakita ang kanilang suporta sa kani-kanilang bias at ipahayag ang excitement para sa nalalapit na COLLABanan sa sayawan.

Tingnan dito ang ilan sa mga reaksyon ng Dance Universe sa lineup ng P-pop dance stars:

Kasama sa pag-reveal ang muling pagpapakilala ng dance authority panel, na may bagong miyembro na si King of the Dance Floor Rayver Cruz. Nagbabalik naman sa dance authority sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Dance Trend Master Coach Jay.

Si Asia's Multimedia Star Alden Richards ay nagbabalik bilang host ng dance reality competition.

Abangan ang Stars on the Floor 2026 simula ngayong February 15!

RELATED GALLERY: 'Stars on the Floor 2026': Introducing the P-pop dance stars