
Excited na ang Dance Universe para sa pinakabago at level up na COLLABanan sa sayawan!
Hindi naitago ng netizens ang kanilang excitement sa lineup ng P-pop dance stars nang ilabas ang pinakabagong teaser ng Stars on the Floor 2026, na nagbigay ng patikim kung sino ang mga mapapanood sa dance floor.
Sa teaser, makikita ang kanilang buhok, likod, bibig, at half body na mas nagpa-excite sa netizens sa kung sino ang dapat abangan sa nagbabalik na dance reality competition.
Marami ang nanghula sa comments section ng kani-kanilang mga bias na P-pop groups na nais nilang makita sa dance floor. Nabanggit nila ang girl group na KAIA at ang boy groups na AJAA, VXON, at 1st.One.
Narito ang iba pang hula ng netizens para sa lineup ng P-pop dance stars sa Stars on the Floor 2026:
Magbabalik naman sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Dance Trend Master Coach Jay bilang dance authority. Si King of the Dance Floor Rayver Cruz naman ang pinakabagong dagdag sa dance authority lineup.
Si Asia's Multimedia Star Alden Richards ay magbabalik din bilang host ng dance show.
Abangan ang bagong lineup ng celebrity dance stars at P-pop dance stars sa Stars on the Floor 2026, simula ngayong February 15 sa GMA.
Bumoto dito kung sino ang P-pop idols na gusto niyo mapanood sa Stars on the Floor 2026:
RELATED GALLERY: Year in Review: SB19, BINI, and other P-pop groups that made headlines in 2024