
Matapos ang reveal ng lineup ng P-pop dance stars sa Stars on the Floor 2026, excited na rin ang Dance Universe na malaman ang lineup ng celebrity dance stars.
Muling naglabas ng teaser ang dance show para sa mapapanood na celebrity dance stars, ngunit hindi muli ipinakita ang kanilang mga mukha.
Sa teaser, nabanggit lamang na isang Kapuso leading man, award-winning actress, dance royalty heir, Asian Idol, at isang former OG girl group member ang magiging bahagi ng celebrity dance stars.
Marami ang nanghula sa comments section, at ilang pangalan ang binanggit tulad nina Rocco Nacino, Paul Salas, Chanty Videla, Sugar Mercado, Therese Malvar, at Aira Bermudez ng SexBomb Girls.
Narito ang hula ng netizens para sa lineup ng celebrity dance stars sa Stars on the Floor 2026:
Kamakailan, inanunsyo rin ang lineup ng P-pop dance stars: sina Joker ng 1st.One, Denise ng Calista, Sophia ng KAIA, Jao ng Alamat, at Jeromy ng Hori7on.
Magbabalik naman sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Dance Trend Master Coach Jay bilang dance authority. Si King of the Dance Floor Rayver Cruz naman ang pinakabagong dagdag sa dance authority lineup.
Si Asia's Multimedia Star Alden Richards ay magbabalik din bilang host ng dance show.
Abangan ang maiinit na performances ng celebrity at P-pop dance stars sa Stars on the Floor 2026 ngayong February 15!
Samantala, tingnan dito ang lineup ng P-pop dance stars sa Stars on the Floor 2026: