GMA Logo Dang Cruz in Forever Young
What's on TV

Dang Cruz, thankful na napasama sa cast ng 'Forever Young'

By Aimee Anoc
Published October 30, 2024 2:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Dang Cruz in Forever Young


Gumaganap si Dang Cruz bilang ang kuwelang si Aling Tammy sa 'Forever Young.'

Kasalukuyang nagbibigay saya at inspirasyon ang aktres na si Dang Cruz sa afternoon series na Forever Young.

Sa family drama, napapanood si Dang bilang ang kuwelang si Aling Tammy, ang may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan ng mag-best friend na sina Rambo (Euwenn Mikaell) at Ompong (Matt Lozano).

Sa isang press interview, nagpasalamat si Dang sa mga proyektong ibinibigay sa kanya ng Kapuso Network.

"Alam ko naman na tatak na tatak sa lahat na komedyante ako. Thankful ako actually talaga sa GMA kasi 'yung mga projects ko rito balance naman," sabi ng aktres.

"Pero dito sa Forever Young actually ako third wheel sa friendship nila (Rambo at Ompong) so masaya. Sa mga eksena namin kikay-kikay pero naba-balance 'yon in a way na kasi taong-tao 'yung karakter ko rito sa Forever Young kaya nandoon 'yung may drama si Aling Tammy," dagdag niya.

Bukod kina Euwenn at Matt, kasama rin ni Dang sa Forever Young sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, James Blanco, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, at Abdul Raman.

Subaybayan ang Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG FOREVER YOUNG CAST SA KANILANG SET DITO: