
Paano haharapin ni Rosa ang tuluyang pag-amin ni Baste?

Sa huling tatlong linggo ng 'Dangwa'… Babangon si Baste (Mark Herras) at ipaglalaban ang kanyang pag-ibig kay Rosa (Janine Gutierrez). Magkakalabuan sina Lorenzo (Aljur Abrenica) at Rosa dahil sa isang masamang plano ng ina ni LORENZO na si Veronica (Jackie Lou Blanco) kaya naman magkakaroon ng pagkakataon si Baste na mapalapit lalo kay Rosa.
Paano haharapin ni Rosa ang tuluyang pag-amin ni Baste?
Ano ang gagawin ni ROSA ngayong malinaw na dalawang lalaki ang nag-aagawan sa puso niya?
Paano kung biglang mag-bloom ang magical rose, sa isa sa mga taong malapit sa kanya --- sa kanyang amo na si Aling Fe at sa Italyano nitong chatmate?
Mabubuko na ba ang lihim ng magical roses ni Rosa?
Pag-ibig. Pagbabago at Pagbangon. Ngayong linggo…mas makulay at mas kapana-panabik ang lovelife sa 'Dangwa!'
Mula Lunes hanggang Biyernes, 11 a.m. sa GMA7, sama-sama tayong kiligin sa 'Dangwa.'