
Tuluyan nang nagtapos ang artista journey ni Dani Porter sa StarStruck.
Nitong August 25, nag-final bow na ang female artista hopeful sa StarStruck. Gayunpaman, puno pa rin ng pasasalamat si Dani sa kanyang narating sa original reality-based artista search.
Unang pinasalamatan ni Dani ang kanyang ina. Ani Dani, "Unang-una po sa lahat nagpapasalamat po ako sa mommy ko na lagi po siyang hatid sundo sa akin."
Hindi rin nakalimot si Dani na pasalamatan ang mga supporters na walang sawang bumoto sa kanya. "Sa mga fans ko po, na laging sumusuporta po sa akin."
Nagpasalamat rin si Dani sa judges na sina Heart Evangelista, Cherie Gil, at Jose Manalo at hosts na sina Jennylyn Mercado at Dingdong Dantes.
"Sa mga council po, gagawin ko po ang mga sinabi niyo sa akin kanina. Sa inyo rin po Ms. Jennylyn and Sir Dingdong."
Isang positibong mensahe naman ang iniwan ni Dani bago siya mag-final bow.
"Ganun po talaga, kung wala pong matatalo, wala pong mananalo... StarStruck, rock and roll!"