GMA Logo Dante Gulapa
What's Hot

Dante Gulapa, naghahanap ng trabaho para masuportahan ang tatlong anak

By Jansen Ramos
Published July 15, 2020 11:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Japan proposes record budget spending while curbing fresh debt
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Dante Gulapa


Panawagan ng viral sensation na si Dante Gulapa sa social media: "BAKA MAY ALAM [KAYONG PUWEDE] KO [APPLY-ANG] TRABAHO MGA IDOL [KASI] HIRAP NG BUHAY [NGAYON]."

Humingi ng tulong ang internet sensation na si Dante Gulapa sa publiko upang makahanap ng trabaho para masuportahan ang tatlo niyang anak.

"BAKA MAY ALAM [KAYONG PUWEDE] KO [APPLY-ANG] TRABAHO MGA IDOL [KASI] HIRAP NG BUHAY [NGAYON] PARA MAY PANG SUPORTA NAMAN PO AKO SA MGA ANAK KO. PM LANG NINYO IDOL KUNG MAY ALAM PO [KAYO]," bungad ni Dante sa kanyang Facebook post noong July 13.

Ayon sa dating macho dancer, bumukod siya pansamantala dahil nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang asawa.

"[BUMUKOD] NA PO MUNA AKO [KASI] LAGI NA KAMI [NAG-AAWAY] NG ASAWA KO KAYA [ITO] KAILANGAN KO NA PO MGA HANAP BUHAY MGA IDOL PARA MASUPORTAHAN KO 3 [KONG] ANAK."

Isinawalat rin ni Dante ang kinakaharap na problemang pinansyal sa gitna ng pandemya. Aniya, hindi siya sa nakakasingil sa negosyong pagpapautang, at dumagdag pa ang kawalan ng event.

"'YONG MGA PA UTANG KO NA PERA KINITA KO [HINDI] PO AKO NAKAKA SINGIL TAPOS WALA MGA EVENT KAYA [ITO NGANGA] PO AKO [NGAYON] IDOL."

Dugtong pa niya, wala siyang work experience at "PURO DISKARTE [LANG]" ang alam kaya siya dumulog sa kanyang followers.

Nakilala si Dante nang maging viral ang kanyang 'flying eagle' dance.

Balikan ang kuwento ng kanyang buhay sa Magpakailanman:

TRIVIA: 11 things we learned about Dante Gulapa after watching his 'Magpakailanman' interview

'Magpakailanman' episode featuring Jak Roberto as Dante Gulapa trends online

WATCH: Viral dancer Dante Gulapa covers 'Tala;' hits more than 600K views online