
Nanawagan ng tulong ang internet sensation na si Dante Gulapa, na umaming wala nang pinagkakakitaan ngayong panahon ng pandemya.
Naghahanap siya ngayon ng kahit anong trabaho dahil apektado ng COVID-19 pandemic ang kanyang hanapbuhay.
Kamakailan ay emosyonal pa niyang ibinahagi ang karanasan ngayong may pandemic.
“Mahirap po talaga na wala akong income, 'yung pagkakakitaan.
"Nakaka-miss talaga ng sobra kasi nakikita ko sila na…kahit na hindi nakakabayad, basta nandoon sa bahay, sama-sama tapos walang sakit.
“Kaso ngayon talaga kailangan ko talagang kumilos tsaka maghanap ng pagkakakitaan,” aniya.
Bukod sa video ay nag-post din si Dante ng panawagan kung saan niya sinabing naghahanap siya ng trabaho para masuportahan ang kanyang mga anak.
Dante Gulapa, naghahanap ng trabaho para masuportahan ang tatlong anak
“Ayoko sanang mag-post ng mga ganito [pero] ginawa ko na rin po.
"Kahit na anong i-post ko sa social media basta alam ko na wala akong tinatapakan na tao,” dagdag pa niya.
Ibinahagi rin ni Dante na may mga nag-alok na sa kanya kung nais niyang maging frontliner ngayong may pandemic.