GMA Logo Josh Mojica and his Kangkong chips
What's on TV

Dapat Alam Mo!: Isang estudyante, tagumpay ang negosyong Kangkong chips!

By Dianne Mariano
Published January 14, 2022 1:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UN biodiversity treaty enters into force, aims to protect 30% of oceans by 2030
Check out Brandon Espiritu's men's hygiene tips
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills

Article Inside Page


Showbiz News

Josh Mojica and his Kangkong chips


Patok ang negosyong Kangkong chips ng isang estudyante at rising entrepreneur na nagsimula lamang sa naipon nitong PhP3,000.

Ibinahagi ng estudyante at rising entrepreneur na si Josh Mojica ang kanyang successful na negosyo sa pagbebenta ng kangkong chips sa Dapat Alam Mo! kamakailan.

Itinayo ng 17-anyos ang kanyang business gamit ang naipon nitong PhP3,000.

“Kasi 'yun po 'yung makakatulong sa pamilya ko e. Magkakaroon po kami ng freedom of life, 'yung maging successful po ako,” pagbabahagi niya.

Photo courtesy: Dapat Alam Mo! (show page)

Naisip ni Josh na magbenta ng Kangkong chips dahil ito ay kakaiba at nakitaan niya ito ng oportunidad.

Aniya, “Because it's unique po. Naisip ko po 'yun, kasama po 'yun sa pinagplanuhan ko na… Kung mapapansin n'yo naman po, 'di ba hindi naman po siya common, 'yung kangkong chips. So, mayroon po siyang opportunity.”

Bukod sa abot-kaya at mabilis mabili ang kangkong sa mga pamilihan, mayroon pa itong hatid na health benefits. Nakakapagpababa ito ng cholesterol levels, mainam sa digestive at immune system, at punong-puno ng vitamins at minerals.

Mula naman sa paggawa ng logo, packaging, at pagbili ng ingredients, si Josh ang kumikilos sa lahat ng ito at gamit ng binata ang recipe ng kanyang tita para sa kangkong chips.

Hindi lamang 'yan ang secret recipe ng kanyang paninda. Mayroon pa itong halong payo mula sa lolo ni Josh na pumanaw noong nakaraang taon.

“Mahirap po ang buhay na dapat mapaahon po kami sa hirap dahil kapag dumating 'yung mga bagay na alanganin, dapat po ready kami,” ani Josh.

Ngayon, tinutulungan na si Josh ng kanyang mga kaibigan at ina sa lumalagong business nito.

Nagkakahalagang PhP110 naman ang isang pack ng kangkong chips at umaabot ng higit kumulang PhP100,000 ang kinikita ni Josh sa isang buwan.

Photo courtesy: Dapat Alam Mo! (show page)

Payo naman niya para sa aspiring entrepreneurs, “Natutunan ko po na kung kikilos ka, sagarin mo. Huwag mong lilimitahin 'yung sarili mo dahil lahat posible basta may pangarap.”

Alamin ang nakatutuwang istorya ni Josh at ng kanyang Kangkong chips business dito.

Patuloy na subaybayan ang Dapat Alam Mo! at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

Samantala, muling silipin ang food business ng mga sikat sa gallery na ito.