GMA Logo Ligang Pasku and Patcu
PHOTO COURTESY: Dapat Alam Mo!
What's on TV

Dapat Alam Mo!: Mga Christmas food sa Pampanga, alamin!

By Dianne Mariano
Published October 7, 2022 6:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

At Easter vigil, Pope Leo urges world not to grow numb to war
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival

Article Inside Page


Showbiz News

Ligang Pasku and Patcu


Anu-ano kaya ang mga pagkaing Kapampangan na tuwing ber-months lamang matitikman? Alamin lamang 'yan dito.

Hindi lamang mga malalaki at magagandang parol ang hudyat ng kapaskuhan sa probinsya ng Pampanga. Mayroon din silang mga pagkain na tuwing ber-months lamang matitikman gaya ng Ligang Pasku at Patcu.

Ayon kay Maureen Castro, owner ng Imang Nene Kapampangan Cuisine, hindi kumpleto ang Paskong Kapampangan kung walang nilaga.

LIGANG PASKU

PHOTO COURTESY: Dapat Alam Mo!

“Kapag Ligang Pasku 'yan, sama-sama ang manok, baboy, at ang baka. Mayroon pa siyang lasang hamon dahil ang buto ng hamon ay isinasali diyan. Pinapakuluan nang mabuti para makuha 'yung lasa ng hamon at mapunta sa sabaw,” pagbabahagi niya sa Dapat Alam Mo!

Dagdag pa ni Maureen, reflection din daw ito ng kultura ng mga Kapampangan na bongga pagdating sa pagluluto.

Aniya, “It is a recipe that has been handed down from generation to generation. Kaya talagang kapag sinabi nating Pasko na, kailangan may Nilagang Pasko.”

Tradisyunal na panghimagas naman sa Guagua, Pampanga ang Patcu, na hango sa salitang Pasko. Ayon kay Maricher Valencia, available lamang ang dessert na ito tuwing Christmas season.

PATCU

PHOTO COURTESY: Dapat Alam Mo!

“Binebenta siya along the streets of Guagua. Kung titignan mo 'yung Patcu, parang 'ay pancake lang 'yan na nilagyan ng ganito.' Pero once you try it, magugulat ka kasi sobrang flavorful ng mismong crepe ng Patcu,” kuwento niya.

Hindi lamang basta-basta ang paggawa ng Patcu dahil kinakailangan ito ng dedikasyon at tiyaga. Ayon pa kay Maricher, kailangan maipakilala ang Patcu sa maraming tao upang maipagpatuloy ang tradisyon nito.

“Patcu is like a culinary gem na ang tagal nang naitago rito sa Guagua. Kailangan siyang ma-expose, kailangan siyang ma-introduce to as many people as possible para ma-continue 'yung tradition nitong Christmas delicacy na ito,” saad niya.

Alamin ang recipe ng Ligang Pasku at Patcu sa Dapat Alam Mo! video sa ibaba.

Patuloy na subaybayan ang Dapat Alam Mo! at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.