
Tampok sa recent episode ng Dapat Alam Mo! ang halaman na puwedeng gamitin bilang alternatibong pampatamis. Ito ay ang tinatawag na Stevia.
Ang nasabing halaman ay isa sa pinararami at ginagawang sweetener sa Bocaue, Bulacan.
Kuwento ni Cecile Meciano, isang marketing manager ng Stevia farm sa naturang probinsya, “Back then 2004, nalaman ng founder namin na merong isang matamis na halaman, na okay siya sa mga may diabetes. Noong time na 'yon, meron siyang kapatid na muntik nang maputulan ng paa dahil sa komplikasyon sa diabetes. Family din talaga kasi sila ng magsasaka. Kaya nang malaman niya na may isang halaman, doon na nag-start 'yung research and development.”
Ayon pa kay Cecile, sumubok muna sila sa paisa-isang pagtatanim ng halaman na Stevia at hindi naging madali ang pag-cultivate ng mga ito.
Aniya, “Naitayo itong Stevia farm dahil doon sa advocacy ng aming founder na si Maura de Leon. Ito nga 'yung Stevia Farm na kauna-unahan dito sa Pilipinas. Hindi siya madali, hindi siya madaling i-cultivate dito sa atin sa Pilipinas dahil siyempre ang Stevia kasi is isang dayuhang halaman.
"Doon sa hangarin na makatulong, unang-una sa mga magsasaka [at] bawasan 'yung diabetes dito sa Pilipinas.”
Dahil dito, pumasok ang ideya na sila'y gumawa ng iba't ibang mga produkto na mayroong Stevia. Ang sariwang dahon nito ay pinatutuyo upang gawin na tea o Stevia powder.
Nakakagawa sila ng kape, juice, tsaa, pati na rin ang mga non-food products gaya ng shampoo at conditioner.
“Ang maganda kasi sa Stevia hindi lang siya maganda as sweetener, puwede rin siya sa non-food since mataas ang antioxidant niyan, maganda din siya sa skin,” pagbabahagi niya.
Panoorin ang buong Dapat Alam Mo! report sa video sa ibaba.
Patuloy na panoorin ang Dapat Alam Mo! at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.