
Isa sa mga patok na pasyalan ngayong malamig ang klima ay ang Tagaytay City.
Sa “Kuwentong Kalye” ni JM Encinas para sa Dapat Alam Mo!, umabot sa 23 degrees Celsius ang temperatura sa Tagaytay kamakailan.
Isa sa mga nakapanayam niya rito ang mag-asawang Hans at Danica mula Mandaluyong City at isa raw sa kanilang pinunta sa Tagaytay ay ang malamig na klima.
“Bumiyahe po kami rito by motorcycle. So mararamdaman po talaga 'yung changes ng lamig,” ani Danica.
Ayon sa report, ang malamig na temperatura ng Tagaytay ay epekto ng Amihan. Malakas din ang hangin sa Tagaytay, lalo na sa matataas na lugar at mayroong paunti-unting pag-ulan.
Dahil malamig ang panahon, mabenta rito ang mainit na taho ni Mang Onoy. Aniya, “Ang karamihang bumibili 'yung mga nilalamigan talaga. Napakalamig talaga kapag umaga, palagi kaming naka-mahabang suot kasi nilalamig, e.”
Ang klima sa Tagaytay City ay sapat para makapag-unwind at hindi na dumayo nang malayo upang makaranas ng malamig na panahon.
Ayon naman sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang malamig na temperatura na hatid ng Amihan ay maaaring tumagal hanggang ikalawang linggo ng Pebrero.
Panoorin ang Dapat Alam Mo! video sa ibaba.
Patuloy na panoorin ang Dapat Alam Mo! at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.