
Sa recent episode ng Dapat Alam Mo! tampok ang paboritong merienda ng mga Pinoy na Hopia, o Good Pastry.
Taong 1927, binuksan ang Kim Chong Tin Hopia Factory sa Quiapo, Manila at hanggang ngayon ay tradisyunal pa rin ang kanilang paraan sa pagluluto ng hopia.
“We tried to be different from others, to preserve the tradition na binigay sa amin dati. Parang may smoky flavor na hindi nila nahahanap sa iba,” pagbabahagi ni Karol Sy, ang fourth generation owner ng naturang pagawaan ng hopia.
PHOTO COURTESY: Dapat Alam Mo!
Ang kanilang hopia dough ay orihinal na recipe ng lolo ni Karol habang ang palaman na nilalagay sa loob ay gawa naman ng kanilang kamag-anak. Nakakapuno sila ng 20 hanggang 30 na baking trays sa isang araw, depende sa dami ng orders.
Kailangan din bantayan ang hopia habang niluluto sa loob ng 15 minuto upang maiwasan na masunog. Wala rin daw preservatives ang kanilang hopia at tumatagal ito ng limang araw sa refrigerator at isang buwan naman sa loob ng freezer.
Bukod dito, gumagawa na rin ng ingay ang dice hopia dahil sa hugis pati na rin ang ibang texture at lasa nito.
“Mas pina-espesyal po ito dahil with egg po ito,” kuwento ni Maricel Sinnung, Store Operation Assistant ng Baker's Fair.
PHOTO COURTESY: Dapat Alam Mo!
Gumagamit naman ng griddle sa pagluluto ng dice hopia dahil madali raw kontrolin ang init nito.
Aniya, “Kapag griddle po ang ginagamit sa pagluluto, kayang gawing malutong, crunchy po ang balat ng hopia.”
Hindi na rin kailangan lagyan ng oil ang griddle dahil natural na naglalabas ng mantika ang hopia kapag niluluto ito. Binabaliktad naman ng ilang beses ang hopia sa griddle gamit ang dalawang mahabang kahoy at niluluto ito sa loob ng pito hanggang siyam na minuto.
Panoorin ang tradisyunal at bagong paraan ng pagluluto ng hopia sa Dapat Alam Mo! video na ito.
Patuloy na subaybayan ang Dapat Alam Mo! at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.