
Isang bagong advocacy campaign na “Dapat Ganito, Kapuso” ang isinusulong ngayon ng GMA Network na nakasentro sa pitong Filipino core values.
Sa pamamagitan ng pitong short stories, layon ng nasabing kampanya ang iba't ibang kaugalian ng mga Pilipino kabilang ang pagiging Maka-Diyos, Mapagmahal sa Pamilya, Maabilidad, Masayahin, Malikhain, Mapagmalasakit sa Kapwa, at Makabayan.
Tampok sa unang short story ng “Dapat Ganito, Kapuso” na pagiging Maka-Diyos ay ang StarStruck Season 1 alumna na si Nadine Samonte at Firefly Best Child actor na si Euwenn Mikaell.
“Mahalaga ang pagiging maka-Diyos nating mga Pilipino kasi ang maka-Diyos nandun 'yung fear mo, 'yung takot mo na magkamali ka, na 'yung gusto mo sa sarili mo na maging mabuti kang tao. Tsaka 'yung buhay natin hiram lang, so ibigay mo na 'yung best mo,” pagbabahagi ni Nadine sa panayam sa kaniya.
Ang “Dapat Ganito, Kapuso” ay bahagi lamang ng mga proyekto para sa selebrasyon ng 75th anniversary ng GMA Network sa 2025.
Mapapanood ang “Dapat Ganito, Kapuso” short stories sa GMA, GTV, Pinoy Hits, Heart of Asia, I Heart Movies, at sa lahat ng digital platforms ng GMA Network.
Para sa iba pang showbiz at entertainment updates, bisitahin ang GMANetwork.com.
RELATED GALLERY: GMA artists, ibinida ang kanilang proudest achievement bilang Kapuso