
Tila isang dream come true para sa Asia's Heartthrob na si Darren Espanto ang mabilang sa iconic collaboration project ng GMA Network at ABS-CBN, ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Bilang selebrasyon ng historical season ng programa, kinanta ni Darren kasama si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose ang bagong bersyon ng "Sikat ang Pinoy," na isinulat ni Jonathan Manalo halos dalawang dekada na ang nakakaraan.
Sa opening night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, isang pasabog na performance ang inihandog ng dalawang sikat na singers. Kitang-kita ang kasiyahan nilang mag-perform sa iisang stage, na mas lalo pang pinatibay ang collaboration ng dalawang networks.
Sa kanyang Instagram, labis ang pasasalamat ni Darren sa natamo niyang experience sa programa. Aniya, "Grateful to be part of a historical collab once again! A pleasure to have been chosen alongside Ate Julie to sing the theme song of ABS-CBN x GMA's PBB Celebrity Edition!"
Kasama sa kanyang post ang behind-the-scenes photos nila ni Julie Anne at iba pang celebrities sa opening night.
Nag-comment naman ang Kapuso singer sa post ni Darren, na may kasamang "Nice one D!" at heart emojis.
Ang kanilang interaksyon ay pinusuan ng kanilang fans. Marami rin ang natuwa nang makita na nag-enjoy ang duo sa kanilang collaboration.
Ilan sa Kapuso stars na sina Cassy Legaspi, Garrett Bolden, at Zephanie ay nagbigay rin ng suporta sa It's Showtime host gamit ang heart reactions.
Patuloy mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga nangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya sa All-Access Livestream ng programa sa GMANetwork.com.
Kilalanin ang Kapuso at Kapamilya housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, dito: