
Naghatid ng powerful performance ang singer-host na si Darren Espanto sa It's Showtime ngayong Huwebes (May 28).
Inawit ng It's Showtime host ang ilang kanta ng late King of Pop Michael Jackson na "Human Nature," "Slave to the Rhythm," at "P.Y.T (Pretty Young Thing)" para sa kaniyang birthday prod.
Matapos nito, nakatanggap ng masayang pagbati at mga mensahe si Darren mula sa kaniyang kapwa hosts.
Bukod dito, nagbigay din ng birthday messages ang ina ni Darren na si Marinel at nakababatang kapatid niyang si Lynelle Anne, na present sa studio ng noontime variety show.
"I will always wish you the best in life. I'll always pray for your success. I hope that you'll continue to guide me, to always be there for others, to always be generous, to always be the kind person that you are.
"I really do wish you the best in life and I hope that you never stop being yourself because you are such a great kuya, a great friend, a great artist, and you shouldn't change anything about that because you're already so amazing," ani Lynelle.
Ibinahagi naman ng nanay ni Darren kung gaano niya kamahal at kung gaano siya ka-proud sa kaniyang anak, pati na rin ang wish niya para rito.
Aniya, "Kuya, we always love you, alam mo 'yan. Hindi man kami very vocal, pero mahal na mahal ka namin, very proud kami sa'yo. Ang hiling lang namin, continue kang i-guide ni Lord at pagpalain ka pa sa lahat ng mga ginagawa mo at gabayan ka rin. We love you, happy birthday."
Samantala, sa Instagram ay nag-upload si Darren ng mga larawan niya mula sa kaniyang stylish birthday photoshoot.
Subaybayan ang It's Showtime mula Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Related gallery: Career journey of Asia's Pop Heartthrob Darren Espanto