
Mapapanood na muli si Daryl Ong bilang inampalan sa “Tanghalan ng Kampeon 2025” sa TiktoClock.
Sa kaniyang pagbabalik bilang inampalan, inamin ni Daryl na umiiwas siya sa pagbabasa ng posts tungkol sa kaniyang role at pagpili ng kampeon.
Saad ng “Tanghalan ng Kampeon 2025” inampalan na si Daryl, "To be honest, hindi ako masyadong nagbabasa ng comments sa pagiging inampalan."
Paliwanag ni Daryl, dahil unang beses niyang maging inampalan sa isang singing competition ay may takot siya sa mga mababasang comments.
"First time ko rin maging inampalan, maging judge sa isang singing competition. Siguro, medyo parang takot din ako. Ayoko na lang din basahin kasi hindi natin maiiwasan kapag hindi ko napili 'yung manok noong iba, siyempre puwedeng mayroon silang masabi. "
Dugtong pa ng R&B Crooner ay ang ginagawa niya lamang ng tama ang kaniyang role bilang inampalan sa “Tanghalan ng Kampeon” sa TiktoClock.
"Iniiwasan ko na lang magbasa ng comments basta ginagawa ko na lang 'yung best ko to give a fair decision or judgment sa performances ng bawat contestant na sumasali.
Subaybayan ang “Tanghalan ng Kampeon 2025” sa TiktoClock Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang TiktoClock sa GMA Network YouTube channel at TiktoClock Facebook page.
SAMANTALA, BALIKAN ANG WINNING MOMENT NI TALA GATCHALIAN SA TANGHALAN NG KAMPEON SEASON 2 SA TIKTOCLOCK: