
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, November 5, ay hiningan ng batikang host na si Boy Abunda ng dance reaction si Dasuri Choi mula sa Kapuso actors na ibibigay ni Valeen Montenegro kung sino sa kanila ang type niya.
Nang ibigay ni Valeen ang pangalan ni Mavy Legaspi ay hindi na nag-atubili si Boy na tanungin si Dasuri kung ano ang naging reaksyon nito nang madawit ang pangalan niya sa isyu.
“Actually, ang reaction ko [noong] una, natutuwa ako dahil pumasok ako [sa kuwento], ibig sabihin, available pa ako. I mean ang ganda-ganda ko, bagets pa 'yung ganda ko,” sabi ni Dasuri.
BALIKAN ANG ILANG CELEBRITY COUPLES NA NAUWI SA HIWALAYAN ANG RELASYON SA GALLERY NA ITO:
Matatandaang nadawit ang pangalan ni Dasuri sa isyu ng hiwalayan nina Mavy at Kyline Alcantara nang mapansin ng netizens na nagiging malapit ang Koreana sa binata sa set ng kanilang dating noontime show na 'Tahang Pinakamasaya' kung saan pareho silang host.
Lalo pang naging maingay ang tsismis nang makita at makuhan sila na magkasama sa isang restaurant kung saan naroroon din ang iba pang co-hosts ng show na sina Cassy Legaspi at Michael Sager. Agad itong tinawag ng netizens na “double date.”
Subalit, noong February nitong taon ay binigyang-linaw na ni Dasuri ang pagkakadawit ng pangalan niya sa nasabing hiwalayan.
“I think they were talking about the issue late last year. So, I'm officially saying, I'm not the third party. I will never try to be a third party in my life. Because I didn't grow up like that. I was raised by my parents na super super super bait. Wala talagang mangyayari sa akin na maging third party,” pagtutuldok ni Dasuri.”