
Inamin ni Dasuri Choi na kung siya ang papipiliin, mas gugustuhin niya raw na tumira sa Pilipinas kaysa sa Korea.
Si Dasuri ay isang Korean na naninirahan sa Pilipinas. Siya ay napapanood ngayon sa Bubble Gang.
Sa Sarap, 'Di Ba? sinagot niya kung bakit mas gusto niya manatili sa Pilipinas.
Ani Dasuri, "Pinas. Mahal ko po ang Pilipinas."
Ipinaliwanag naman ni Dasuri kung bakit mas gusto niya ang buhay niya sa Pilipinas. "
Actually po, mas gusto ko 'yung vibes dito, 'yung mga tao kasi super positive. Sa Korea kasi marami talagang nagwo-work and they compete always every day. So parang mas nare-relax ako dito. Sa ugali ko okay ako dito."
Dugtong pa ng Bubble Gang star ay mas pabor siya sa setup niya dito sa Pilipinas. "Nakakarelax talaga dito, nakakatuwa mga tao, positive."
Balikan ang kaniyang kuwento rito:
SAMANTALA, NARITO ANG COOLEST OOTDS NI DASURI CHOI: