
Binalikan ni dancer and content creator Dasuri Choi ang taong 2025.
Sa taon daw na ito, napagdesisyunan niyang piliin ang kanyang mga kaibigan, sinikap na laging magkaroon ng malinaw na pag-iisip, at nanindigan sa kanyang mga desisyon.
Naging daan daw ito sa kanyang self-discovery, na siya namang naging mitsa para mas mahalin pa niya ang kanyang saril.
Image Source: michodacasin (Instagram)
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Dasuri ang maikling recap ng kanyang nagdaang taon.
Makikita rito ang ilang local at international solo travels niya, bonding kasama ang ilang piling kaibigan, self-improvement tulad ng exercise at nature retreat, pati na ang pag-aalaga niya sa kanyang fur babies.
"In 2025, I chose fewer people, clearer thoughts, and my own decisions,“ sulat niya sa caption ng kanyang post.
"And finally discovered how to enjoy being with myself…” dagdag pa niya. "It was so beautiful, 2025…"
Tinapos ni Dasuri ang taon sa bilang isa sa performers ng taunang Kapuso Countdown to 2026 ng GMA.
Bago nito, nagbigay din siya ng suporta at tulong sa hayop na nasa pangangalaga ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS).
SAMANTALA, SILIPIN KUNG PAANO NAG-CELEBRATE NG PASKO AT BAGONG TAON ANG ILANG CELEBRITIES DITO: