
Bago pa man mas nakilala sa kaniyang electrifying moves sa Stars on the Floor, unang pinasok ni Dasuri Choi ang K-pop world.
Sa kaniyang panayam sa Fast Talk With Boy Abunda kasama ang kaniyang ka-duo na si Rodjun Cruz nitong Huwebes, August 28, ikinuwento ng South Korean dancer na nakatrabaho na niya ang hit girl group noon na Wonder Girls nang maging isa siya sa mga backup dancer nito tuwing may concert.
"I was really young that time and very lucky po ako na napili po ako as one of their backup dancers. Kaya parang nakakakaba, and at the same time, super honored po ako kasi super uso din noong time ng "Nobody," sabi ni Dasuri.
Inamin ng dancer na minsan din siyang naging K-pop trainee, pero hindi niya naipagpatuloy ang journey na ito.
"I was actually a K-pop trainee before, but hindi natuloy. Para kasing walang freedom po, Tito Boy, doon sa K-pop industry kapag dating sa K-pop talaga," ikinuwento nito.
Dagdag pa ni Dasuri, sobrang “controlled” umano ang kaniyang buhay noong siya ay nagte-training pa lang.
Ikinuwento ni Dasuri, "Even sa school after school, they would pick me up and then diretso training, after that, wala pong bonding with friends and all, diretso uwi tapos tulog tapos school again and then training again, lahat ganoon po."
Inamin ni Dasuri na hindi niya kinaya ang ganitong routine lalo na sabi nito na "Bawal rin magka-jowa. 'Yun 'yung hindi ko talaga kaya."
Mapapanood si Dasuri na humataw sa dance floor sa Stars on the Floor kasama si Rodjun bilang isa sa mga final dance star duo.
Patuloy na tutukan ang maiinit na performances ng Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Samantala, balikan dito ang dance cover moments ni Dasuri Choi kasama ang iba pang celebrities: