What's on TV

Date nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa 'Sanggang-Dikit FR,' kinaaaliwan!

By Jansen Ramos
Published September 12, 2025 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

jennylyn mercado and dennis trillo


Umani na ng mahigit 15 million Facebook views ang dinner date nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa 'Sanggang-Dikit FR'! Panoorin dito:

Patok sa social media ang dinner date nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa September 10 episode ng kanilang pinagbibidahang GMA Prime action series na Sanggang-Dikit FR.

Sa serye, magka-MU (mutual understanding) na ang mga karakter ng dalawa, na mag-asawa in real life, na sina Tonyo at Bobby.

Pero kahit may pagkakaintindihan na sila, patuloy pa rin ang panliligaw ni Tonyo kay Bobby na ayaw pang lagyan ng label ang kanilang pagkakamabutihan.

Kaya si Tonyo, naghanda ng isang romantic rooftop date para sa dalaga sa tulong ni Selena (Liezel Lopez).

Hindi lang kinilig ang viewers dahil marami rin ang naaliw kay Jennylyn matapos mag-viral online ang isang clip mula sa kanilang dinner date ni Dennis sa serye.

Mapapanood dito na tinanong ni Bobby kung gusto ng manok ni Tonyo. Akala ni Tonyo ay ibibigay ni Bobby sa kanya ang ulam nito, pero nagulat siya nang biglang kinuha ng kanyang ka-date ang kanyang manok.

Naka-upload ito sa Facebook page ng GMA Drama, na nakakuha ng tumataginting na 15 million views sa social networking site.

Sulat sa caption, "GOOD NEWS: Ka-date mo na si crush!

"BAD NEWS: Kinuha n'ya 'yung ulam mo!"

Nakakuha rin ito ng mga nakatatawang komento mula sa netizens.

Biro ng isang nag-comment, "Wawa naman si Dennis, na-diet ng 'di oras."

Nakakuha pa ng idea ang isang netizen dahil sa teknik ni Bobby. "Alam ko na sasabihin ko kapag ako ang tinanong."

Samantala, nakakaaliw na hinuha naman ng isang commenter, "Ganyan talaga siguro ginagawa n'ya sa asawa n'ya kaya kung ano-ano Tini-Tiktok ni Dennis."

Mapapanood ang Sanggang-Dikit FR weeknights, 8:50 p.m., pagkatapos ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa GMA at Kapuso Stream. May delayed telecast din ito sa GTV sa oras na 10:30 ng gabi.

RELATED CONTENT: Photos that prove Jennylyn Mercado and Dennis Trillo are perfect for each other