What's Hot

Dating aktor na si Dennis da Silva, pinatawan ng habambuhay na pagkakakulong sa kasong rape

By Aedrianne Acar
Published February 12, 2020 11:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David decries MAIFIP in proposed 2026 budget
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis da Silva life sentence


Hinatulang guilty ang dating aktor na si Dennis da Silva sa kasong panghahalay noon sa menor de edad na anak ng dating live-in partner.

Matapos ang 17 taon na pagkakakulong sa Pasig City Jail, napatunayan sa korte na nagkasala ang dating That's Entertainment star na si Dennis da Silva sa panghahalay sa 14-anyos na anak ng kaniyang live-in partner.

Base sa ulat ni Marisol Abdurahman sa 24 Oras, lumabas ang desisyon nito lamang Biyernes, February 7, kung saan pinatawan si Dennis ng parusang reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong dahil sa 15 counts of rape.

Bukod pa rito ang apat hanggang anim na taon na pagkakakulong din dahil sa four counts of child abuse.

Naaresto si Dennis taong 2002 pa.

Sa panayam naman ng defunct showbiz talk show na Startalk noong 2015, ipinahayag ni Dennis ang kagustuhan niyang makalaya at magbagong buhay.

Aniya, “Makalaya ako at secondly 'yung family ko sana hanggang s hauling laban andyan sila para sa akin.

“Ako'y naniniwala lahat tayo ay may pag-asa.”

Panoorin ang buong ulat ng 24 Oras sa hatol ng korte kay Dennis da Silva: