What's Hot

Dating aktor na si John Regala, nanghihingi ng tulong dahil sa matinding sakit

By Bianca Geli
Published July 29, 2020 12:54 PM PHT
Updated July 30, 2020 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

John Regala waits for help


Nakuhanan ng larawan ng isang netizen ang dating action star na si John Regala na tila nanghihina at nanghihingi ng tulong sa Pasay City.

Isa si John Regala sa mga itinuring na tanyag na action star sa Philippine cinema noon.

Nitong 2016, naikuwento niyang halos 13 taon siyang nalulong sa droga ngunit nalampasan niya na ito sa pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos at tulong ng kaniyang pamilya.

Noong 2017, naging viral ang isang larawan ni John na walang malay sa labas ng isang supermarket sa Cavite. Paliwanag ni John noon, hinala niyang bumagsak ang kaniyang blood sugar level dahil sa diabetes.

John Regala

John Regala namataa ng netizen na nanghihina sa isang supermarket noong 2017 | Source: PhilNews.ph

Ngayong 2020, muling naging viral ang dating action star matapos makuhanan ng litrato ng isang netizen si John na makikitang tila namayat, mag-isang na nakaupo, may suot na face mask, at hawak na bag.

Kinumpirma sa GMA News ni John na siya mismo ang nasa larawan. Hinihintay niya raw dumating ang isang nurse na magbibigay sa kaniya ng gamot nang makuhanan ang litrato.

Labing-limang araw na rin daw nagsusuka si John dahil sa sakit nitong liver cirrhosis. May problema rin daw ito ngayon sa pera at pamilya.

Kuwento ni John sa GMA News, "Nagkaroon kami ng problema ng asawa ko. Kung simpleng tao lang, hindi makayanan ang ratsada ng problema na kinakaharap ko ngayon."

Nasa pangangalaga ng Iglesia ni Cristo community ngayon si John at tumutuloy sa pabahay nila sa Quezon City. Nagpapalakas daw si John at umaasang bumuti na ang kaniyang kalagayan.

Nagsama sama naman ang showbiz personalities na sina Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus, at entertainment writer na si Aster Amoyo para humingi ng tulong para sa pagpapagamot ni John para sa kaniyang diabetes at liver cirrhosis.

Saad ni Nadia sa kaniyang Instagram account na @officialnadiam, "“I will be seeing him later together with a doctor friend that will take all the tests brother John needs urgently.”

“To those who want to send donations and help of any kind to John please private message me,” aniya.

RELATED:

#Heroine: Female celebrities na action star

Celebrities who quit showbiz for regular jobs