
Simula June 6, bibida sa kani-kanilang show ang tatlong dating sang'gre ng requel ng Encantadia, na unang ipinalabas noong 2016.
Unang-una mapapanood sa GMA Telebabad si Sanya Lopez (Sang'gre Danaya noon) bilang si Melody ng top-rating series na First Lady. Susundan nito ng palabas ni Kylie Padilla (Sang'gre Amihan noon) na Bolera.
Pagkatapos ng Bolera, mapapanood naman si Gabbi Garcia (Sang'gre Alena noon) sa mystery-romance series na Love You Stranger.
Kakatapos lang din ng miniseries na pinagbidahan ni Glaiza de Castro (Sang'gre Pirena noon) na False Positive, kung saan nakasama niya ang aktor na si Xian Lim.
Ayon kay Gabbi, masaya siya sa magandang line-up ng GMA Telebabad at may kani-kanilang show silang magkakaibigan.
"It's a Sang'gre lineup sa primetime and sobrang happy ako kasi it's such a good lineup and I'm really happy na everybody is really doing well sa aming apat," saad ni Gabbi nang makausap ng GMANetwork.com sa media conference ng Love You Stranger noong May 31.
Ngayong magkakaroon ng continuation ng saga ng Encantadia sa Sang'gre, willing kaya si Gabbi na muling gampanan ang karakter ni Sang'gre Alena?
"Yes! Oo naman, 100%," sagot niya.
Bukod kay Gabbi, nagsabi na rin si Kylie na gusto niya muling gampanan si Amihan. Sa katunayan, gusto pa nga ni Kylie na magkaroon ng Encantadia Season 2.
"Sana magkaroon ulit ng Encantadia, season 2. 'Yun ang inaabangan ko kasi gusto kong maging Amihan ulit," masayang sagot ni Kylie sa isang live sa TikTok ng GMA Network.
Sino kaya ang bibida sa Sang'gre? Mapapanood kaya sina Glaiza, Kylie, Gabbi, at Sanya sa Sang'gre? Ano kaya ang magiging istroya nito?
Ugaliing bumisita sa GMANetwork.com upang malaman ang mga kasagutan.
Bukod sa Encantadia, maraming iconic teleseryes ang pwede nang mapanood online. Alamin kung anu-ano ang mga 'yan sa gallery na ito: