GMA Logo Tadhana
What's on TV

Dating guro at OFW, mapipilitang umuwi ng Pilipinas dahil sa mga anak?

Published November 8, 2025 10:41 AM PHT
Updated November 8, 2025 10:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Loisa Andalio, Ronnie Alonte welcome first child
Arellano University captures 7th straight cheerleading title
Phoenix Petroleum responds to Hidilyn Diaz's 'free fuel for life' controversy

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana


Isang dating guro at OFW ang haharap sa matinding desisyon na umuwi ng Pilipinas matapos masangkot sa sunod-sunod na problema ang kanyang mga anak.

Sa Tadhana: Ma'am Digna, hindi matapos-tapos ang mga pagsubok sa buhay ni Digna. Sa kabila ng kaniyang pagsisikap bilang OFW sa Amsterdam, sunod-sunod na problema naman ang kinakaharap ng kaniyang mga anak na naiwan sa Pilipinas.

Habang nasa ospital ang kaniyang panganay, isa pa sa kaniyang mga anak ang naglayas at ayaw nang umuwi. Sa gitna ng lahat ng ito, kailangang pumili ni Digna, ipagpatuloy ba niya ang pagtatrabaho abroad o umuwi na lang para muling buuin ang kaniyang pamilya?

Tunghayan ang kuwento ng sakripisyo at pagmamahal ng isang ina sa Tadhana: Ma'am Digna, ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook at YouTube livestream!