
Pumanaw na ang veteran actor at dating matinee idol na si Romeo "Bobby" Vasquez sa edad na 78 years old. Ayon sa Instagram post ng kanyang granddaughter na si Alyanna Martinez, sa Kaiser Permanente Hospital sa United States naka-admit ang aktor bago siya bawian ng buhay.
Ika pa ni Alyanna, nakakalungkot man at nakakamiss ang kanilang Lolo Bobby, makakasama na ng aktor ang kanyang anak na si Liezl Martinez na pumanaw noong 2015. Anak niya si Liezl sa dating asawa at former leading lady na si Amalia Fuentes.
Ilan sa mga sikat na pelikula ng aktor ay ang "Pretty Boy" noong 1957 at ang "Sapagkat Ikaw Ay Akin" noong 1965.