GMA Logo Spencer Reyes
What's Hot

Dating Streetboys member na si Spencer Reyes, frontliner na sa Scotland

By Bianca Geli
Published May 15, 2020 5:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr: 3 more EDSA Busway stations in 2026
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Spencer Reyes


Kamusta na ang buhay ni Spencer Reyes sa Scotland? Alamin sa article na ito:

Mula sa pagiging dancer at artista, isa ng professional bus driver at frontliner sa Scotland ang dating member ng '90s dance group na Streetboys na si Spencer Reyes.

Kinamusta ni Lhar Santiago ng 24 Oras ang buhay ni Spencer abroad.

Aniya, "Okay naman po kami dito, kahit papano naitatawid namin 'yung pang-araw araw namin which ipinapasalamat namin kay God."

Tatlo na rin ang mga anak ngayon ni Spencer na kasama niya sa Scotland.

Kahit nakapagtapos ng Nursing sa Pilipinas si Spencer, nag-aral din siya ng Electrical Engineering, Heating, and Plumbing Read sa isang vocational school sa Scotland.

Kuwento ni Spencer, "Ang trabaho ko rito is I'm driving a bus, nagtatrabaho po ako sa isa sa biggest bus companies po dito sa Scotland."

Maituturing na frontliner din si Spencer sapagkat tagapaghatid siya ng medical practitioners sa mga ospital.

Sa totoo lang daw, miss na ni Spencer ang showbiz. Tandang tanda niya pa raw ang dating sumikat na loveteam nila ni Ice Seguerra.

"Nasa Eat Bulaga kami noon, inakbayan ko siya, naka-on na 'yung camera, kumakanta kami, tapos suddenly bigla ko siyang hinalikan sa pisngi. Parang nanlilisik 'yung mata niya noon sa'kin."

Nananatili raw silang magkaibigan ni Ice hanggang ngayon. "Lately nagka-message kami ni Ice, sa Instagram at Facebook."

Kasalukuyan, sumasayaw pa rin si Spencer sa kaniyang official YouTube channel pati na rin sa mga events para sa Filipino communities sa Scotland maging sa ibang bansa, kasama niya rin ang kapwa dating Streetboys member na si Michael Sesmundo.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras: