What's on TV

Dating 'Celebrity Bluff' winners, muling naki-"Fact or Bluff"

By Cherry Sun
Published September 21, 2020 4:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Oscars 2026: All the memorable moments
50 brgys in 10 LGUs affected by ash fall from Kanlaon Volcano

Article Inside Page


Showbiz News

Former Celebrity Bluff winners


Tinaguriang 'Return of the Champions' ang nangyari sa September 19 episode ng 'Celebrity Bluff.' Bakit? Alamin DITO:

Nagsama-sama ang mga dating nanalo sa Celebrity Bluff upang muling maki-“Fact or Bluff.”

Former Celebrity Bluff winners

Nitong Sabado, September 19, muling napanood sina Eugene, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Nakasama nilang maki-"Fact or Bluff" ang dating winners ng kanilang programa para sa isang episode na tinaguriang "Return of the Champions."

Nagtapatan sa kaalaman ang '90s love team na sina Angelu de Leon at Bobby Andrews, ang basketball prodigies at magkapatid na sina Andre Paras at Kobe Paras, at ang paboritong Morning Rush DJs na sina Chico Garcia at Gino Quillamor.

Kahit nanalo na noon sa Celebrity Bluff ang celebrity players, nagulat si Eugene at ang kanyang kasamang celebrity bluffers dahil puro mali ang kanilang sinagot sa unang round.

Bumawi naman sila sa round two na "Word War" at naging dikit ang laban.

Sino kaya ang magiging champion among the champions? Panoorin ang buong video ng September 19 episode sa itaas.

Ang Celebrity Bluff ay mapapanood na tuwing Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl.