GMA Logo Asiana Doesnt
Courtesy: mega_magazine (IG) and ea.doesnt (IG)
Celebrity Life

Daughter ni Wilma Doesnt na si Asiana, pang-Miss Universe ayon sa netizens

By EJ Chua
Published September 28, 2023 11:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

BI reminds foreigners to show up for 2026 Annual Report
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Asiana Doesnt


Netizens sa anak ni Wilma Doesnt na si Asiana: “Ang ganda ng anak ni Josa.”

Mga Kapuso, sino sa inyo ang napa-wow din sa ganda ng anak ni Wilma Doesnt na si Asiana?

Kasalukuyang usap-usapan online si Asiana Doesnt, ang anak ng actress, comedienne, at model na si Wilma.

Isa si Asiana sa mga rumampa sa katatapos lang na fashion event na Bench Fashion Week 2023.

Kaugnay ng naturang event, isang content ang inilabas ng GMA Network tungkol kay Asiana.

Kasunod nito, bumuhos ang libo-libong positive comments at papuri ng netizens sa dalaga.

Ilang netizens ang talaga namang napahanga sa kakaibang kagandahang taglay ni Asiana, na ayon pa sa kanila ay namana niya sa kanyang mommy na si Wilma.

Ang ilan, sinabing pang-Miss Universe raw si Asiana at tila inaabangan na nila ang pagsali niya sa beauty pageants sa mga susunod na taon.

Kamakailan lang, na-feature ang beautiful mother-daughter tandem na sina Wilma at Asiana sa MEGA Magazine August 2023 issue.

A post shared by MEGA (@mega_magazine)

Taong 1995 nang magsimula sa pagmo-model si Wilma, habang ang kanya namang anak na si Asiana ay pumasok sa mundo ng modeling noong 2020.

Samantala, kasalukuyang napapanood si Wilma sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Kilala siya ng mga manonood bilang si Josa, ang best friend ni Lyneth, ang karakter naman ni Carmina Villarroel sa hit afternoon series.