
Espesyal para kay Kapuso actor Dave Bornea ang upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong Sabado.
Ito kasi ang unang beses na magiging bida siya sa isang episode ng #MPK. Bukod dito, itinuturing din niya itong most challenging role so far ang pagganap bilang bida sa episode na pinamagatang "Pa-mine: Online Body Selling."
"Ako po dito si Dave. Ako po ay isa sa mga kapatid nina Karenina Haniel and James Teng. May dalawa pa kaming [nakababatang] kapatid. Since 'yung sila ate Karenina at James Teng may kanya kanya na rin plano sa kanilang buhay, ako na lang 'yung nagpatuloy na suportahan 'yung mga bunso kong kapatid," paglalarawan ni Dave sa kanyang karakter sa ginanap na Kapuso Brigade Zoomustahan ngayong October 1.
Napapanahon din daw talaga ang kuwento ng episode dahil isa ang karakter niya sa milyon milyong Pilipino na naapektuhan ng pandemya ang trabaho.
"Since naghahanap ako ng trabaho para masuportahan 'yung mga bunsong kapatid namin, pumasok ako sa trabaho bilang helper nina Luke Conde. Since nag-pandemya, inalok ako ni Luke ng ibang trabaho--maging TikTok perfomer na napilitang gawin ang mga maselan na bagay," paliwanag ni Dave.
Umaasa si Dave na maraming makaka-relate sa mensaheng hatid ng episode, lalo na sa panahon ng pandemya.
"I think matutunan nila sa episode na 'to na hindi maling pamamaraan ang nakaka-solve ng isang problema. Dapat pag-isipan nila 'yunnang maraming beses before they take an action, bago nila 'to pagsisihan," lahad ng aktor.
Huwag palampsin ang brand new episode na pinamagatang "Pa-mine: Online Body Selling," ngayong Sabado, October 2, 8:15 pm sa '#MPK.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: