
Challenge accepted sina Dave Bornea, Shanelle Agustin, at Shayne Sava sa mas mataas na lebel ng actingan sa pagbida nila sa upcoming Magpakailanman episode. Tungkol kasi ang kuwento sa isang pamilya na may special needs.
Sa episode ng drama anthology series ngayong Sabado, January 24, gaganap ang tatlo sa episode na "My Special Family" tungkol sa isang pamilya na dumaan sa pagsubok dahil ssa mga anak na may special needs.
Sa panayam sa kanila ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, ibinahagi ng tatlong aktor na gusto nilang simulan ang 2026 ng maganda sa pamamagitan ng pagpupursigi sa trabaho, at makapagbahagi sa ibang tao.
Para kay Dave, magagawa niya ito sa paggamit ng kaniyang talento sa pag-inspire ng susunod na henerasyon sa kaniyang mga project.
"Nagturo ako ng dance sa mga kids, and then nakakatuwa lang kasi nga my skill, may passion, ishe-share ko sa mga kids, nakakatuwa lang," sabi ni Dave.
Ayon pa sa aktor, tila nakikita niya ang kaniyang younger self sa mga batang tinuturuan.
KILALANIN ANG CELEBRITIES NA UNCONDITIONAL ANG PAGMAMAHAL SA MGA KAMAG-ANAK NILA NA MAY SPECIAL NEEDS SA GALLERY NA ITO:
Sa pagganap nila sa mga karakter, hiling ng tatlong aktor na marami ang maka-relate at may matutunan sa naturang episode.
"Very inspiring po siya kasi ipapakita po dito na kahit na may mga special needs sila, kaya nila, and kaya nilang gawin 'yung mga ginagawa ng mga normal na tao," sabi ni Shayne Sava.
Aminado naman si Shanelle Agustin na na-challenge siya ng husto sa episode dahil ito ang unang pagkakataon na kailangan niyang maging mature at strong sa isang role.
Panoorin ang panayam ni Nelson kina Dave, Shanelle, at Shayne dito: