
Ngayong June 26 mapapanood sina Dave Duque, Elle Villanueva, at James Teng sa latest episode ng My Fantastic Pag-ibig.
This week, mapapanood si Dave sa Invisiboi bilang si Buboi.
Sa kuwento ay makikilala si Buboi bilang isang lalaki na may mabuting loob ngunit nakakaramdam ng pagbabalewala mula sa mga taoong nakapaligid sa kanya.
Hindi siya pinapansin ng kaniyang tatay na si Tonyo (Gene Padilla) at madalas naman siyang i-bully ni Diego (James). Mayroon din siyang lihim na pagtingin kay Thea (Ella) na girlfriend ni Diego.
Photo source: My Fantastic Pag-ibig
Makakatanggap siya ng isang vaccine mula sa scientist na si Professor Z (Lou Veloso). Sa pamamagitan nito, magiging invisible siya. Ngunit kailangan niya itong gamitin sa kabutihan at iwasang mapasakamay ng evil scientist na si Dr. Damon (Dang Cruz).
Abangan ang exciting at bagong istorya ng My Fantastic Pag-ibig ngayong Sabado, 7:40 p.m. sa GTV.
RELATED CONTENT:
My Fantastic Pag-ibig: GANDA PROBLEMS NG ISANG DALAGA, MASOLUSYUNAN NA KAYA? | Episode 17