GMA Logo David Licauco
Source: sparklegmaartistcenter (IG)
What's Hot

David Licauco, lubos ang pasasalamat sa natanggap na birthday advertisement

By Marah Ruiz
Published June 16, 2023 11:45 AM PHT
Updated June 16, 2023 12:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Woman killed by live-in partner in Caloocan
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Nag-react si David Licauco sa natanggap na birthday advertisement na makikita sa Mall of Asia Globe.

Very grateful si Pambansang Ginoo David Licauco sa lahat ng brithday greetings na natanggap niya.

Ipinagdiwang ni David ang kaniyang 29th birthday kahapon, June 15.

Bukod sa pamilya at mga kaibigan ni David, nagtipon din ang kanyang fans sa pamumuno ng grupong "Aking Sinta, David" para bigyan siya ng espesyal na regalo.

Naghanda sila ng birthday advertisement video para kay David na napanood sa Mall of Asia Globe mula 6:00 p.m. hanggang hatinggabi sa mismong kaarawan ni David.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Nakarating ang ilang videos nito kay David kaya lubos ang pasasalamat niya sa birthday surprise na ito.

"Grabe 'to! ILY (I love you) all," sulat niya sa kaniyang Instagram Stories.

Nasa Australia pa rin si David at nagbabakasyon kasama ang kaniyang pamilya.

Bago nito, tumungo siya ng South Korea kasama ang kapwa Kapuso star na si Barbie Forteza para kumuha ng mga eksena para sa kanilang upcoming movie na That Kind of Love.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BAKASYON NI DAVID SA AUSTRALIA KASAMA ANG KANIYANG PAMILYA: