GMA Logo Julie Anne San Jose and David Licauco
Source: davidlicauco (IG)
What's on TV

David Licauco, aminadong humanga kay Julie Anne San Jose

By Cara Emmeline Garcia
Published March 3, 2021 12:54 PM PHT
Updated March 4, 2021 6:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Julie Anne San Jose and David Licauco


Ano ang masasabi ni David Licauco tungkol sa kanyang loveteam kasama si Julie Anne San Jose? Alamin:

#JulieVid is officially sailing sa pinakaabangang romantic drama na Heartful Café sa GTV.

Kaya naman sa naganap na Kapuso Brigade Zoomustahan kasama si David Licauco, hindi napigilan maitanong kung kamusta ang kanyang working relationship kasama si Julie Anne San Jose sa set ng serye na talaga namang inaabangan ng #JulieVid shippers.

Ani ng Kapuso hunk sa GMANetwork.com, malaki ang paghanga niya sa Asia's Pop Diva lalo na patungkol sa work ethic nito pagdating sa set.

Aniya, “She's very nice. As we all know maganda naman talaga si Julie and she's very talented.

“But ang pinakahinangaan ko sa kanya is 'yung mood n'ya at 8 a.m. is not different from 'yung mood n'ya at last scene which is around 1:30 a.m. I think that says a lot about her na masipag talaga siya at gusto niya 'yung ginagawa n'ya.

“Sinabi ko nga sa kanya 'yun, e. Na parang ang galing at 'di ko siya nakita ever na sumimangot.

“Kasi minsan naman talaga nakakapagod at 'di naman madaling maging artista.

“So minsan, may mga ilan na napapakita 'yon. Pero si Julie, same lang 'yung vibe niya from 7 a.m. to 2 a.m. the next day.”

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)

Ang Heartful Café kasi ang kauna-unahang pairing ng dalawang Kapuso stars kaya marami ang nakatutok kung paano nila mapapanood ang chemistry ng dalawa sa show.

Kuwento ni Julie Anne San Jose sa internal press noon, “First time ko makaka-work si David bilang leading man kaya I'm excited.

“We see each other around GMA. Pero we never really had the chance to talk or magkamustahan. Siguro dito ko mas makikilala si David.

“Dito namin malalaman ang capability namin ni David as a love team. I'm also looking forward kung anong mai-offer ng team-up sa audience and ano ma-i-offer namin sa isa't isa. Gusto namin maging organic lang lahat.”

Sa Heartful Café gaganap si Julie Anne bilang si Heart Fulgencio, isang online romance novelist na magiging cupid sa ilang customers sa kanyang coffee shop business.

Dito, makikilala n'ya si Ace Nobleza, ang role ni David Licauco, isang goal-driven person na magiging co-investor n'ya sa cafe.

Ang Heartful Café ay mapapanood sa GTV at nasa creative direction ni Aly Adlawan. Si RJ Nuevas ang nagsisilbing creative consultant at content creator nito. Isinulat naman ito ng head writer na si J-mee Katanyag kasama sina Ken de Leon at Jimuel dela Cruz.

Habang hinihintay ang on-screen pairing ng team #JulieVid, panoorin ang kanilang “I Love You” Challenge sa video na ito:

Mga Kapuso, kung gusto n'yong makasama sa susunod na Zoomustahan kasama ang inyong favorite stars, mag-message lang kayo sa Facebook, Twitter, or Instagram sa @kapusobrigade.