
May susunod na proyekto na kaagad sina Pambansang Ginoo David Licauco at Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.
Malapit nang matapos ang kanilang special limited series sa primetime na Maging Sino Ka Man kaya naghahanda na sila sa susunod nilang pagtatambal.
Nagbigay si David ng maliit na clue tungkol sa next project nila ni Barbie.
"Super excited ako rito kasi mahilig ako sa mga historical [drama]. Mahilig ako sa mga historical na teleserye na ako 'yung magpe-play," lahad niya.
Ayon sa aktor, may konting pagkakatulad ito sa kanilang hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
"Since 'yun na nga, historical siya and baka foreigner ako, 'di ko sigurado, so kailangan kong aralin 'yung language na 'yun like what I did for 'Maria Clara at Ibarra'," matalinhagang bahagi ni David.
Samantala, sinisikap ni David na patuloy na mag-improve sa larangan ng negosyo kaya kahit busy siya sa showbiz commitments, nag-attend siya ng isang business convention.
Nagbigay naman siya ng tip para sa mga nais magsimula ng negosyo.
"For me, if you already have a product or service na you think would work, just do it. Then eventually naman, you will find ways para maging successful 'yung negosyo mo," pahayag ni David.
Huwag din daw matakot na mag-loan para sa kapital ng negosyo.
"If you have a loan, you're obligated to work on it kasi alam mo may babayaran ka. Ginawa ko 'yun--nag-loan ako just because gusto kong mas ma-inspire, mas sipagan pa so that alam ko na may kailangan akong bayaran next month," aniya.
SILIPIN ANG MGA NEGOSYO NI DAVID LICAUCO SA GALLERY NA ITO:
Panoorin din ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.