
Muling magsasama ang celebrity friends at kapwa Kapuso stars na sina David Licauco at Dustin Yu sa isang upcoming celebrity basketball game.
Bahagi si Dustin ng kupunan ni David sa basketball exhibition nito laban sa team ng aktor na si Gerald Anderson.
Kasama rin sa team nila ang kapwa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates ni Dustin na si Will Ashley, pati na si Emilio Daez na nasa kabila namang kupunan.
Bukod kina Dustin at Will, kabilang sa team ni David sina Rayver Cruz, Mavy Legaspi, Paul Salas, Josh Ford, EA Guzman, Andre Paras, Anthony Constantino, Prince Carlos, Kimson Tan, at Mateo Monzones.
Sina Vhong Navarro, Richard Gutierrez, Jameson Blake, Emilio Daez, Tommy Tiangco, Binsoy Namoca, RK Bagatsing, Johannes Rissler, Malupiton, Argel Saycon, Tristan Ramirez, at Elyson de Dios naman ang bubuo sa team ni Gerald.
Magiging available naman ang tickets para sa basketball game sa March 23 sa SM Tickets.
Bago nito, dati na ring nagsama sina David at Dustin sa isang celebrity basketball game.
Matatandaang nagkasama sila sa isang team sa "Shoot of Asia" exhibition game kung saan nakalaro niya ang K-pop stars na sina Minho ng SHINee at Johnny ng NCT.
Samantala, kasalukuyang napapanood si David sa action-drama series Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime.
Bahagi naman si Dustin ng mystery drama series na The Secrets of Hotel 88 na napapanood Monday to Friday, 9:35 p.m sa GMA Prime.