GMA Logo David Licauco at EA Guzman
What's on TV

David Licauco at EA Guzman, paiinitin ang 'TBATS'

By Dianne Mariano
Published May 27, 2021 6:06 PM PHT
Updated May 27, 2022 8:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco at EA Guzman


Ang Kapuso hunks na sina David Licauco at EA Guzman ang special guests sa 'The Boobay and Tekla Show' ngayong Linggo (May 29).

Lalong paiinitin nina Kapuso hunks David Licauco at EA Guzman ang gabi n'yo dahil sila ang guest stars sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, May 29.

Hindi makakaligtas sa hot seat sina David at EA kung saan kailangan nilang harapin ang naughty at intriguing questions nina Boobay at Tekla sa segment na 'May Pa-PressCon.'

Ang dalawang Kapuso actors din ang makikipagkulitan sa fun-tastic duo at The Mema Squad sa laro ng charades sa 'Galaw Galaw.' Sina David at EA, may chance maging teammates sina Miss Manila 2020 Alexandra Abdon, Pepita Curtis, Ian Red at Skelly Clarkson.

Mapapanood din sa parehong episode ang 'Ang Harsh!' kung saan babasahin nina Boobay, Tekla at The Mema Squad ang pinakamasakit na tweets tungkol sa kanila.

Huwag palampasin ang episode na ito ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (May 29) sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Silipin kung bakit nangunguna sina Boobay at Tekla sa komedya sa gallery na ito: