GMA Logo David Licauco at Kim Ji Soo
Source: actor_jisoo on TikTok
What's Hot

David Licauco at Kim Ji Soo, hindi nagpahuli sa 'Big Guy' trend

By Marah Ruiz
Published March 4, 2026 7:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alleged hitman hiding behind fake names nabbed in Taguig hospital
3rd ug 4th Impeachment complaints ni VP Sara Duterte, Sufficient in Substance | Balitang Bisdak
F1 star Charles Leclerc ties the knot with Alexandra Saint Mleux

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco at Kim Ji Soo


Kumasa rin ang 'Never Say Die' stars sina David Licauco at Kim Ji Soo sa "Big Guy" trend.

Patuloy ang bonding nina Never Say Die co-stars David Licauco at Kim Ji Soo sa pagitan ng takes ng kanilang serye.

Kumasa ang dalawa sa nauusong "Big Guy" trend na base sa kanta ng American rapper na si Ice Spice.

Tumayo si David sa likod ni Ji Soo at nag-flex ng kanyang mga braso.

Ni-reveal naman kaagad ni Ji Soo si David at nagyakapan ang dalawa habang nagtatawanan.

"My big guy 🤣🤣🤣@David Licauco," sulat ni Ji Soo sa TikTok kung saan ibinahagi niya nag video.

@actor_kimjisoo My big guy 🤣🤣🤣@David Licauco ♬ Big Guy - from "The SpongeBob Movie: Search for SquarePants” - Ice Spice



Samantala, kagagaling lang ni David mula sa matagumpay niyang debut sa indoor fitness competition na Hyrox.

Sumali siya sa Taipei, Taiwan leg ng kompetisyon kung saan nagtapos siya bilang rank 1 sa lahat ng mga Pinoy na sumali.

Rank 53 naman siya sa overall na kumpetisyon at rank 19 ng age group na 30 to 34.

Image Source: davidlicauco (Instagram)

Kasalukuyang napapanood sina David at Ji Soo sa action-drama series na Never Say Die.

Abangan sila rito mula Monday to Friday, 8:55 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.

Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network. I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.