
Breakout star, in-demand endorser at successful businessman.
Ganiyan marahil ilarawan ng publiko ang Sparkle actor na si David Licauco. Pero sa kabila ng kasikatan na tinatamasa niya ngayon, may isang insidente noon na nagpabago sa kaniyang buhay.
Sa eksklusibong panayam sa kaniya ng vlogger at manager na si Ogie Diaz, naikuwento ng Kapuso leading man ang malagim na car accident na nangyari sa kanila ng mga kaibigan niya noon.
Lahad niya, “The reason actually kung bakit ako nag-artista, kasi hindi ako pinapayagan ng magulang ko lumabas ng bahay. Strict kasi sila”, saad ni David
Ayon sa Pambansang Ginoo, taong 2013 noong nagbago ang takbo ng buhay nya.
“'Noong 2013 naaksidente kasi kami ng mga kaibigan ko. Sa SLEX, tumama kami sa parang gas truck, tapos na-injure ako, 'tapos my best friend died. Kaya 'yun 'yung turning point kung bakit din ako nag-stop mag-basketball.”
Tanong ni Ogie: 'Yun 'yung trauma ng parents mo kaya hindi ka masyado pinapayagan lumabas?
Tugon ng Chinito heartthrob, “All my life, strict talaga 'yung mommy ko. Pero mas naging strict lang siguro siya nung nangyari 'yun. E, hindi niya ako pinapayagan, so, ang excuse ko, 'Ma, mero'n akong VTR, mero'n akong fashion show. Mag-go go see ako.'”
Dito idinetalye ni David ang aksidente na nangyari noong 2013 nang binabagtas nila ang South Luzon Expressway (SLEX).
Pagbabalik-tanaw niya, “We were five, we came from Tagaytay, we were 18 years old lang at that time, 2013. Tapos ayun nakatulog 'yung driver, tapos we hit a gas truck. Tapos, nawalan ako ng malay nun, nagkaroon ako ng seatbelt injury.
“As in 'yung buong dashboard nandito na [sa dibdib ko]. E, 'yung kotse ko that time was Land Cruiser pa, so malaki. Tapos, basag-basag lahat. Everyone was crying 'tapos ang init na sa loob, siyempre 'yung gas.
“Hindi ako makaalis, kasi hindi ako makagalaw . Ang nag-save pa sa akin 'yung nag-pass away na friend ko.” Yun nga, ano pala siya [may] internal bleeding.”
Malaki raw ang naging epekto ng pagkamatay ng kaniyang kaibigan na “hero” niya.
Sabi niya, “Matagal, siguro mga three months. 'Tsaka, I was bedridden for mga 2 to 3 weeks, e. Pero siyempre at that point, hindi mo nabisita 'yung bestfriend mo na kasama mo sa aksidente. That was really tragic for me.”
SILIPIN ANG ILAN SA NAKAKAKILABOT NA CAR ACCIDENT NG MGA CELEBRITY AT SOCIAL MEDIA PERSONALITY DITO: