GMA Logo Barbie Forteza, David Licauco Christmas wish
What's Hot

David Licauco may Christmas wish para kay Barbie Forteza: 'I want you to be genuinely happy'

By Jimboy Napoles
Published December 6, 2023 5:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza, David Licauco Christmas wish


May sweet na Christmas wish sina David Licauco at Barbie Forteza para sa isa't isa.

Sunud-sunod ang dating ng proyekto sa Kapuso stars at tambalang BarDa nina Barbie Forteza at David Licauco.

Fresh mula sa kanilang serye na Maging Sino Ka Man, abala naman ngayon sina Barbie at David sa iba't ibang brand endorsements.

Sa shooting ng kanilang live cooking demo para sa kanilang in-e-endorsong brand na Maggi, eksklusibong nakapanayam ng GMANetwork.com ang BarDa.

Dito ay tinanong ang dalawa kung ano ang kanilang wish para sa isa't isa ngayong darating na Kapaskuhan.

Unang sumagot si David. Hiling niya umano para kay Barbie, “I just want you to be genuinely happy.”

Napangiti naman si Barbie sa Christmas wish ni David para sa kanya.

“Thank you. I like that. You also,” ani Barbie.

Dagdag pa ng aktres, “And I want you to maximize your time. I can see that you're very busy but sana sa darating na Pasko i-give mo na 'yun sa family and loved ones mo.

“Deserve natin 'yun 'di ba? Kaya dapat sulitin natin ito.”

RELATED GALLERY: Barbie Forteza and David Licauco's year of kilig moments


Sa ngayon ay nagsisimula na rin kasing maghanda sina Barbie Forteza at David Licauco para sa kanilang mga “challenging role” sa isa sa mga inaabangang Kapuso series sa 2024 na Pulang Araw.

Si Barbie Forteza ay gaganap dito bilang isang Bodabil star habang si David Licauco naman ay isang Hapones.

Para sa iba pang showbiz updates bisitahin ang GMANetwork.com.